Advertisers
ARESTADO ang isang negosyante nang pagtangkaan ang buhay ng governor ng Occidental Mindoro sa Provincial Capitol Building sa Mamburao, Lunes ng umaga.
Kinilala ang naaresto na si Adrian Bernardo Gatdula, 53, negosyante, at residente ng Brgy. 2, Sta. Cruz, Occidental Mindoro.
Ang biktima ay si Gobernador Eduardo Gadiano.
Sa report, 10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Governor’s Office, Provincial Capitol Building, sa Brgy. Payompon, Mamburao.
Nabatid na habang abala sa trabaho si Gadiano sa loob ng kanyang tanggapan nang biglang pumasok si Gatdula na armado ng mga patalim at ipinukol ito sa Gobernador.
Masuwerte namang hindi tinamaan ng patalim si Gadiano, habang naaresto si Gatdula.
Inaalam pa ng mga otodidad ang motibo ni Gatdula sa tangkang pagpatay sa gobernador.
Sasampahan si Gatdula ng kasong Attempted Murder. (Mark Obleada)