Advertisers

Advertisers

Sekyu ikakalat ang maselang larawan ng ex-gf, timbog!

0 246

Advertisers

ARESTADO sa entrapment operation ang isang security guard na nagbantang ikakalat ang mga pribadong larawan ng babaeng nakarelasyon nito sa online kung hindi papayag na makipagtalik sa kanya.
Kinilala ang nadakip na si Reynaldo Ricaplaza, 42, security guard at may asawa.
Sa ulat, nahuli si Ricaplaza ng PNP Anti-Cybercrime Group 4A sa tapat ng isang mall sa Imus, Cavite.
Base sa report, nagkakilala si Ricaplaza at ang biktima sa isang dating application na nauwi sa kanilang pagiging magkarelasyon online at nagpasahan ng mga malalaswang litrato.
Ayon sa hepe ng PNP Anti-Cybercrime Gorup 4A na si Colonel Julius Suriben, nalaman ng biktima na may asawa na ang sekyu kaya ginusto na nitong makipagkalas, subalit’t ayaw pumayag ni Ricaplaza.
Napag-alaman pa na hiniling ni Ricaplaza na makipagkita ang biktima sa kanya at makipagtalik. Kung hindi papayag ang biktima, pinagbantaan niya itong ikakalat ang malalaswang litrato.
Nahaharap sa kasong grave coercion, paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act at Anti-Cybercrime Prevention Act si Ricaplaza.(Irine Gascon)