Advertisers
ARESTADO ang dalawa katao nang mahulihan ng tinatayang P1.7 milyong halaga ng shabu sa isang buybust operation sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang mga nadakip na sina Nhedz Dalingding, lalaki, 52, taga-Sultan Kudarat at kasalukuyang nakatira sa Oroquieta St., Sta. Cruz; at Teresita Honorica, 39, ng J. Fajardo Ext. Sampaloc, Manila.
Sa report, naganap ang buybust operation sa Oroquieta St., Barangay 312, Sta. Cruz, Martes ng madaling araw.
Nakuha ang nasa 252 gramo ng shabu na nasa P1,713,600.00 ang halaga sa mga naaresto. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)