Advertisers

Advertisers

Joseph asang makababangon muli ang ABS-CBN

0 384

Advertisers

ISA ang Kapamilya actor na si Joseph Marco sa  nagpahayag ng kanyang suporta sa mga empleyado at supporters ng ABS-CBN nang magsagawa ito ng noise barrage sa compound ng nasabing network kamakailan.

Ayon sa actor,  hindi agad siya nakapagpalabas ng kanyang saloobin dahil  hindi niya mabuo sa isip niya ang mga salitang dapat bitiwan.

Gusto rin niyang malinawan muna sa lahat ng isyu kaugnay ng  pag-deny ng mga mambabatas sa renewal ng prangkisa ng  Dos.



Aniya: “Over the past few weeks, I have been trying to come up with the right words to encapsulate how I feel about everything going on.

“I admit it took time because part of me was afraid to speak up and part of me felt like not speaking up was a way for me to preserve my mental and emotional state,” dugtong niya.

Nang dumalo raw siya sa mass gathering na isinagawa sa compound, doon daw naging malinaw sa kanya ang lahat at kung ano ang marapat niyang gawin.

“But a few days ago, when we attended the noise barrage, I realized that what is going on is beyond me.Thousands have lost their jobs because of a personal vendetta and that is not something I can stand by.This lapse in judgment and display of power is something we all did not deserve,” hirit niya.

Nagdarasal naman si Joseph na sana ay maliwanagan ang mga nasa poder lalo na iyong 70 congressmen na bumoto para i-deny ang prangkisa ng network.



“I pray that our public servants get the clarity they need and I look forward to the day that our network rises again,” panalangin niya.

“I am one with all the ABS-CBN employees and all the Kapamilyas. And I understand now that we need to speak up because if we don’t call people out for doing us wrong, who else will? #IbalikAngABSCBN,” pahabol niya.  (Archie Liao)