Advertisers

Advertisers

Abuso at nakaw ng brgy. official sa Makati

0 257

Advertisers

Gud day po. Paki-sabi lang kay Mayora Abby: Sobra na abuso at nakaw ni (Brgy. official) ng Brgy. Carmona, Makati. Pati kapatid nya nangongolekta ng lagay sa mga naghahanapbuhay. Ilan lang po nakakuha ng SAP. Pati po pera ng frontliners wala binigay. Sana po malaman ito ni Mayora at mapaimbestigahan niya. Salamat po – Concerned citizen

 

CCTV sa Brgy. Tumana, Marikina di gumagana



TEXT BRIGADE. REPORT KO LANG SA DILG:  USEC. DIÑO NG BARANGAY AFFAIRS, SIR  ANG CCTV NG BARANGAY TUMANA, LUNGSOD NG MARIKINA, DYAN SA PALAY ST. PATUNGONG BLK 68 AY DI ACTIVE. DAPAT PAKINABANGAN NG BARANGAY PARA MAKITA ANG MGA KABATAANG BABAD NA NAKATAMBAY SA MGA KALYE.  –  MATA NG LANSANGAN

 

Para sa kapitan ng Anabu 1-D

Gud morning po. Tanong ko lang po: Kap Sherwin bakit po wala ang 2nd wave dito sa Anabu 1-d? May balita po na palihim nyo bigyan ang mga senior citizen ng ayuda, Kap? Hindi naman po yata tama yan. Ayusin naman po sana nyo dahil hindi lang po sila ang mga nangangailangan, pati rin kami. Saka po bakit hindi pa naipo-post yung nakakuha ng 2nd wave? Saka Kap may isa kang brgy. tanod na pakialamero. Kalalaking tao chismoso. Lahat nalang pinakikialaman. Pati utang ng ibang tao pinakialaman. Ok lang po Kap kung sya ang magbabayad. Eh hindi naman. Ang alam ko kasi ang isang brgy. tanod dapat isang huwaran, nagpapakita ng magandang halimbawa sa kapwa tao dahil yan ang sinumpaan, hindi ang pagka-chismoso. Kung may utang isang tao, wag naman nyang ikalat dahil bawat tao may hiya. Kung malaki man ang utang nito wala na siyang pakialam. Pakialamero tanod yan. – Residente ng Anabu 1-D

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">