Advertisers

Advertisers

Tonz may milk tea at coffee jelly business, endorser din ng VG’s Cebu Lechon

0 335

Advertisers

PATULOY sa pagkayod ang award-winning indie actor na si Tonz Are.

Nakatutok siya sa kanyang Tonz Tapsilogan at iba pang ulam na itinitinda. Bukod pa rito, kabilang din sa paninda niya ang mga gulay, chorizo Cebu, special bagoong, chilli garlic sauce, gourmet tuyo, shorts, Uratex unan, steel cabinet, at iba pa.

Magbubukas na rin ang kanyang milk tea at coffe jelly business na tatawagin niyang Balud. Ito’y mula sa kanyang award-winning character sa pelikulang Rendezvous.



Ipinahayag ni Tonz na proud siya sa pagnenegosyo niya dahil marangal itong trabaho.

Wika niya, “Proud ako kasi marangal po na trabaho iyan and sanay naman ako sa hirap, kasi rati pa naman nagtitinda na rin ako. Nagsisikap talaga ako para sa pamilya ko and proud ako na dahil sa pinagpaguran ko, natutulungan ko pamilya ko.

“Kaya habang pandemic, mas pursigido pa po ako. Like this week, start na rin yung milk tea ko and coffee jelly. Bale online muna and delivery kami, kasi bawal pa mag-dine in.”

Sakaling maliitin siya ng iba, ano ang magiging reaction niya?

Esplika ni Tonz, “Hayaan ko lang sila, basta ako proud sa ginagawa ko and basta para sa pamilya po, kahit maglako ako nang maglako ng paninda ko, ‘di ako mahihiyang magtinda. Lalo na sa sitwasyon po natin ngayon, na kapag wala kang diskarte sa buhay, gutom ka.”



Dagdag pa niya, “Sobrang thankful and happy ako sa mga ginagawa ko, blessings din ito galing sa Itaas. Naniniwala talaga ako na sa panahon ngayon, kung mahihiya ka, gutom ang aabutin mo at dapat marunong kang dumiskarte lagi sa buhay.”

Masayang ibinalita rin sa amin ni Tonz ang pagiging endorser/ambassador niya ng VG’s Cebu Lechon.

“Ambassador din ako ng VG’s Cebu Lechon sa Laguna, iyong na-vlog ko last time. Ito ay located sa Equator Building, Brgy. Bucal, Bypass Road, Calamba. Ang cellphone po nila ay 09179944027 at 09555827817.

“’Tay, Bisaya rin po kasi ang may-ari, si Michelle T. Sanchez, kaya tinutulungan ko siyang i-promote ang lechonan nila.”

Pahabol pa ni Tonz, “Sobrang happy and thankful ako, dahil bukod sa ambassador ako, nakakatulong pa ako na mag-promote ng business nila.

“Ang VG’s Cebu Lechon ay natikman ko na at sobrang sarap sa lahat… Nang natikman ko ito, pinakamalasa sa lahat ng lechon. Bukod pa sa crispy and juicy talaga, na malalasahan mo talaga na sobrang sarap,” aniya pa. (Nonie V. Nicasio)