Advertisers
“NOONG 2015 I hit rock bottom,” umpisang kuwento sa amin ng dating aktres na si Jenny Umali sa pamamagtan ng e-mail.
“That’s when I decided to think of other ways to provide for my children. I am a single mom of three and that time lahat sila nasa school pa, one in high school and two in college.
“So I prayed so hard and ask God to really take over my life and lead me where He wants me to be.
“It was a journey. Nag-umpisa ito nung 2015, napabalik ako sa Pilipinas from abroad kasi na-carnapped ang kotse ko, tapos may nangyari sa father ng mga bata, pag-uwi ko kagulo buhay namin, parang may tornado na dumaan tapos andun kami sa eye ng tornado.
“Paggising ko wala na akong mga projects na offer, kahit fifty pesos wala ako pang-gas, paano pa tuition ng mga bata? Na-kick out kami sa apartment namin.
“Malaki ang utang na loob ko sa parents ko, inako kami, pinatira kami sa condo nila and bumalik sila sa lumang bahay namin.
“Nung time na nag-concert ako sa Pilipinas, last resort yun, sabi ko, ‘I am done sa Philippines!’
“Mga 1 year din kami nag-struggle, may mga konting raket pero hindi enough. Tapos sabi ko kay God, dalhin mo ako sa gusto mong lugar kung saan ako kailangan and I am going to obey pero me pakiusap ako bigyan mo stability mga bata bago mo ako dalhin kung saan man iyan.
“Palipatin mo kami sa sarili naming bahay kasi ayoko na makabigat sa parents ko, bigyan mo ako ng pang-enroll ng mga bata.
“Alam mo yun, makapag-umpisa man lang. Two weeks later may offer akong kumanta sa Bangkok! Yung dati kong producer ko ipinatawag ako!
“Malakas ako kay Lord, nag-submit ako and I surrender, unti-unti akong naliwanagan.”
Sa ngayon ay nasa California, USA na si Jenny.
“I found my purpose here, dito ko nakita ang value ko. It has been a great journey I must say. Nakaipon ako para maitayo ang small business ko dito as a healer and a life coach.
“I help people heal and get out with their emotional and spiritual struggle and nagtuturo din ako dito ng Healing and Life Coaching.
“I studied habang nagwo-work ako tapos na-certify ako bilang Reiki Healer/Teacher, Life Coach, Business Coach, Meditation Teacher, tapos ngayon tinatapos ko ang Psychology certification ko.
“If it’s all about love and healing on board ako talaga.
“Nag-produce ako ng online talkshow na Expose And Express Live.
“Itong Expose And Express Live ko nag-start ito birthday ko yun, March 18.
“Lima kaming hosts sa show na ito and lahat kami mga coaches.
“Si Bernz Bayabo [Business Builder Coach of Kickstart Digital Media Strategy/www.bernzbayabo.com]; and Rochie Desagun [health & wellness Blogger of The Frugalista Mom/www.thefrugalistamom.com] are also Filipinos.
“And we have Jill Seibenbrodt [The Queen of Fill Your Own Cup of Jill 2.0 Life and Business Coaching Company].from Arizona and Daniela Nastasi [meditation mentor and speaker:The Founder of Ummastery/ www.ummastery.com] from New Jersey.
“And ang mga guest namin global, kung saan-saan nanggagaling na bansa din.”
Kuwento pa ni Jenny…
“I created this Facebook Live and Youtube Live show para sa fellow business owners ko na makaka-reach kami sa mga taong nangangailangan ng advice and we are now on our Season 2.”
Pagkatapos ng pandemya, may planong bumalik sa Pilipinas si Jenny para magbakasyon.
“Bukod sa bibisitahin ko ang pamilya ko at mga kaibigan, magpo-promote ako ng book ko na “The Book Of Love and Shameless Money Confessions” na true story ng buhay ko, kung paano ako nakabangon sa pinagdaanan kong hirap kasama ng mga anak ko at pamilya ko.
“Tapos, stay ako sandali para naman maipamahagi ko yung healing and coaching ability ko sa mga kababayan ko diyan sa Pilipinas.” (Rommel Gonzales)