Advertisers

Advertisers

Catriona at Sam, nagpakilig ng netizens, asang magkatuluyan na

0 418

Advertisers

HANGGANG ngayon, pinag-uusapan pa rin ang performance ng magdyowang Sam Milby at Catriona Gray na na-upload sa social media.

Patuloy na dumarami ang views nito at nakahamig na ng more than 100,000 views.

Napansin ng netizens na may kakaibang chemistry pala ang dalawa.



Sina Cat at Sam ay nag-perform ng kanilang much-awaited collaboration sa Wish 107.5 Bus.

Sa naturang video, inawit ng dating Miss Universe ang “We’re In This Together” samantalang si Sam ay nasa background para maglapat ng musika.

Maraming kinilig sa kanilang performance sa naturang 4-minute video.

Sey ng netizens, perfect match daw ang dalawa at sana ay sila na nga ang magkatuluyan sa tunay na buhay.

Ito ang ilan sa mga komento ng netizens sa kanilang dalawa:



“You can really see to both of them how deeply they are in love with each other. And they use their talents for Catriona’s advocacy. I think they are meant to be.”

“When Catriona waved at her fans and Sam smiled at them… Oh my! Kinilig ako!”

“Not gonna lie. They look good together plus Cat got really nice voice and the intention of the song is really amazing and powerful. Let us just support them for their advocacy.”

“OMG! Yung tingin talaga ni Sam kay Catriona habang kumakanta eh. Eyes don’t lie! “Can we just be happy for the both of them? Everyone deserves to be happy.”

“Get you a man who looks at you the way Sam looks at Catriona.”

***

Ken at Rita may launching movie na

MAY launching movie na sina Rita Daniela at Ken Chan pagkatapos ng kanilang matagumpay na tambalan sa Kapuso teleserye “My Special Tatay.”

Ayon sa dalawa, answered prayer daw ang pagsasama nila sa isang movie.

Iprinudyus ito ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista at idinidirehe ni Louie Ignacio.

Hindi pa sigurado kung ipapasok ito sa Metro Manila Film Festival ngayong taon o ipalalabas sa ibang format.

Maganda ang concept tungkol sa isang magpapari na nain-love sa isang singer-entertainer.

Ayon pa sa direktor nitong si Louie Ignacio, wala raw namang gaanong aberya ang shooting lalo pa’t naka-lock in sila sa Pagsanjan, ang home town ng award-winning director.

Sinusunod din daw nila ang safety protocols at guidelines na ipinatutupad ng Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA), na miyembro ang Heaven’s Best. (Archie Liao)