Advertisers

Advertisers

Malasakit Center ‘di apektado sa gulo sa Philhealth

0 236

Advertisers

NILINAW ni Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go na hindi apektado ng mga kontrobersiya sa PhilHealth ang serbisyo ng mga Malasakit Center.
Sinabi ni Go na bagama’t isa ang PhilHealth sa mga ahensya na tumutulong sa Malasakit Center (DOH, DSWD, PhilHealth at PCSO), tuloy pa rin naman ang serbisyo nito sa publiko.

Ayon kay Go, dahil one stop ang Malasakit Center, nasa iisang tanggapan lang ang mga kinatawan ng apat na ahensiya para umalalay sa mga nangangailangang pasyente.

Ipinaliwanag ni Go na may package ang PhilHealth sa mga pasyente pero kapag nagkaroon ng kumplikasyon ang operasyon o lampas sa kaya sagutin ng PhilHealth, maaaring sagutin ito ng ibang ahensiyang tumutulong tulad ng DSWD, DOH at PCSO ang natitirang balanse.



Walang rin aniya dapat ipag-alala ang mga miyembro dahil kahit may kontrobersiya ay tuloy ang serbisyo ng ahensiya.

Ipinaalala ni Go na sa ngayon ay mayroon nang 80-Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Mylene Alfonso)