Advertisers

Advertisers

PDu30 lumuhod, humalik sa lupa sa pinangyarihan ng twin bombing sa Sulu

0 242

Advertisers

Lumuhod at humalik sa lupa si Pangulong Rodrigo Duterte sa lugar na pinangyarihan ng kambal na pagsabog sa Jolo bilang pagbibigay-dangal sa mga naibuwis na buhay dito.
Nabatid na ang Presidente ay personal na bumisita kamakalawa sa twin blast site.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo ang kanyang pagbibigay-dangal sa mga nasawing sundalo at sibilyan.
Nangako ang Punong Ehekutibo sa patuloy na pagsuporta sa mga sundalo sa paglansag sa mga terorista.
Nag-alay din ang Presidente ng bulaklak sa blast site at nagtungo rin sa Kuta Heneral Hospital kung saan kasalukuyang ginagamot ang mga nasugatan sa twin blast. (Josephine Patricio)