Advertisers
LABIS na diskriminasyon ang naranasan ng ilang COVID ‘19 patients sa Pampanga matapos harangan ng yero at pakuan ng mga opisyal ng barangay ang kani-kanilang tahanan nang sa gayon hindi sila makalabas at makahawa.
Sa ulat, isang pasyente mula sa Guagua at Porac ang nabiktima ng diskriminasyon.
Panawagan ni Pampanga Governor Dennis Pineda sa publiko, habaan ang pasensiya at pang-unawa lalong-lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Aniya, maaaring i-report agad sa kapitolyo ang iba pang parehong diskriminasyon sa mga COVID ‘19 patients.
Samantala, ayon sa Pulisya ng Porac, agad nilang pinatanggal ang mga yero sa mga taga-barangay nang mapag-alaman ang pangyayari.(PTF team)