Advertisers
TODAS ang dalawa katao at 17 ang arestado kasama ang 2 pulis sa pagsamsam ng lupa na pag-aari ng Hard Rock Aggregates nitong Linggo sa Antipolo City.
Kinilala ang isa sa nasawi na si Arnaldo Pangilinan; at ang isang hindi pa kilala; habang ang mga nadakip ay nakilalang sina SMS Ronald Antonio Abnariao; Ssg Henry Balmaceda, kapwa nakatalaga sa PSPG na nagtangka pang tumakas sa dragnet operation ng Antipolo PNP; Jenelyn Vailoces; Narmalyn Jarmaani, Georgette Orlaza, Dyna Barreto, Gaelyn Amantillo, Marie Eugenio Amantillo, Rosalie Sayson, Divina Cajilo, Jimmy Pulo, Daniel Igoy, Rodelio Palivino, Angel Race, Jeric Roncales, Jessray Nacioy, Rodeo Barreto, Marvin Jhon Bitoy at Eddie Amarillo, at SSgt Rodolfo Rillorta, SSgt Jolit Custodio.
Ayon sa ulat, 2:00 ng hapon nang iligal na pasukin ng dalawang nasawi at mga nadakip na umano’y sangkot sa squatting syndicate na armado ng mga baril ang lupa ng Hard Rock Aggregate sa Sitio Igiban, Purok 1 at 2, Zone 7A, Brgy., Cupang sa lungsod.
Humingi ng saklolo ang security guards ng quarry sa mga awtoridad na umano’y may mga armadong grupo ang pumasok sa lugar at puwersahang inaagaw ang nabanggit na lupa.
Agad na nagrespondi si SMS Leo Angeo de Guzman ng PCP-1 station kasama ang mga tanod, ngunit pinaulanan sila ng mga putok ng baril ng grupo. Kaya humingi ng back-up sa Antipolo Headquarters sina de Guzman at nagsagawa ng dragnet operation sina Major Estrella na ikinadakip ng grupo.
Matatandaan ilang taon na ang nakalipas tinangka narin samsamin ng isang retiradong heneral at grupo nito ang nabanggit na lupain ng Hard Rock Aggregates.
Sa ngayon nakapiit na sa Antipolo PNP ang mga inaresto kasama ang 2 PSPG officers. (Edwin Moreno)