Advertisers
ARESTADO ang anim na biyahero nang masabat ng mga awtoridad ang 420 kilos ng baboy na walang dokumento lulan ng dalawang truck sa checkpoint sa Marilao, Bulacan.
Kinilala ang anim na inaresto na sina Almer Pao Obnimaga, Mark Angelo Bolo Responde, Ojeck Bahilot Salimbagat, Aristeo Aguilar Lorenzo, Aldrin Daganta Dalin at Reynan Bahilot Alfonzo, pawang residente ng Brgy. Guyong, Sta.Maria.
Sa report, nasabat ang mga suspek, 10:00 ng gabi sa Villarica Road, Brgy. Sta.Rosa 1 habang lulan ng dalawang truck refer van, may plakang NB8068 at CAS 9567.
Ayon sa ulat, walang naipakitang dokumento ang mga suspek nang sitahin ng Marilao Meat Inspection Unit.
Nabatid na pag-aari ng nagngangalang Thomas Haw, residente ng Pintong Bato, Brgy.Guyong, ang 420 kilo ng baboy na hindi dumaan sa NMIS inspection.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek habang nasa pangangalaga ng Municipal Meat Inspection ang naturang “hot meat”. (James de Jesus)