Advertisers
ARESTADO ang 14 indibidwal nang mahuli sa aktong nagtutupada (sabong) sa kasagsagan ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jundy Dosal, Anthony Bontigao, Jimmy Savador, Reynaldo Padon, Gaudy Abrea, Rodolfo Francisco, Rolando Lim, Romulo Francisco, Ritchie Tapdasan, Jackson Magallanes, Ralph Bryan Roldan, Patric Duran, Ricky Gimao, at Rodrigo Insigne.
Sa report, nagsagawa ang Raxabago Police Station ng operasyon matapos makatanggap ng tips hinggil sa iligal na aktibidad sa Balut, Tondo, Maynila.
Ang mga naaresto ay mula sa Tondo, Navotas City, Malabon City at Caloocan City.
Ayon kay Station 1 Commander Lieutenant Col. Cristopher Navida, ang kanilang operasyon ay bahagi ng kanilang kampanya laban sa laganap na mga iligal na aktibidad sa lungsod. (Jocelyn Domenden)