Advertisers
PINAGBABARIL ang 22-anyos na babae ng riding in tandem Biyernes ng gabi sa Kalibo, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Nadine Faith Medina.
Ayon kay Police Major Belshazzar Villanoche, hepe ng Kalibo Police, nangyari ang insidente malapit sa Barangay Andagao Elementary School.
Sa report, galing ang biktima kasama ang ina sa drugstore at naglalakad pauwi nang pagbabarilin ito ng magkaangkas sa motorsiklo.
Ang biktima ay planong mag-aral ng abogasya.
Nagpalabas na ang Kalibo Police ng digital sketch sa pagkakakilanlan ng salarin.(PTF team)