Advertisers

Advertisers

Tatlong Abe!

0 326

Advertisers

Nang mag-resign si Prime Minister Shinzo Abe ay biglang naalala ni Ka Berong ang basketbolistang kababayan ng lider na Japan na si Shigeaki Abe.

Point guard laro ng 5’10 na Hapon at kasabayan ang 6’1 shooting forward na si Masatomo Taniguchi. Sila ang mga sikat noong late 60s at dekada 70. Mga pambato sila ng bansa kung saan nandoon ang pamosong Mt. Fuji. Pinahirapan ng dalawa ang ating pambansang koponan noong mga panahon na yon na pinangunahan nina Robert Jaworski, Danny Florencio at Jun Papa.

Sa katunayan dinaig tayo noong 1970 ABC ng Japanese team na naging kampeon ng torneo na idinaos sa Tokyo.



72 na ngayon ang kapangalan ng PM at 74 naman si Taniguchi. Iba kasi disiplina at delikadesa ng mga Hapon. Sa sports at pulitika man. Tingnan ninyo ang pinuno na nagbitiw dahil may karamdaman. Dito sa atin amoy bangkay na ay kapit-tuko pa sa puwesto.

Tanong naman ni Pepeng Kirat kung kadugo nila si Abe King na nagdribol para sa Toyota at Presto/Great Taste. Hehe. Ang 6’3 na si Abe na naninirahan na sa Estados Unidos ay may lahing American-Indian.

***

Talagang bilib si Tata Selo sa concern ng mga NBA player sa mga socio-political isyu sa Amerika. Pansamantalang natigil ang bubble sa Orlando dahi sa pagboycott ng mga basketbolista. Masyado silang apektado ng pagkakabaril ng mga pulis kamakailan kay Jacob Blake, isang Afro-American.

Nameligro pa nga ang buong liga na makansela kung hindi namagitan sina Michael Jordan at Barack Obama. Ganyan kasidhi ang poot sa damdamin ng karamihan sa mga player dahil sa nagaganap na social injustice.



Pero nalulungkot si Tatang na dito sa atin ay kahit pabulong o papitik ay wala kang maririnig sa mga PBA cager. Mabuti pa nga raw mga nasa collegiate rank na kahit papano ay nagsasalita sa Twitter at Facebook.

Idolo naman nilang lahat ang mga nasa NBA ngunit hindi sila mahawa kahit kaunting tapang pumalag sa mga nasa may kapangyarihan. Kung sa bagay pati mga may-ari ng prangkisa sa PBA ay gayon ding takot at kimi.

***

Grabe na ang mga nangyari matapos lumabas si CJ Cansino sa Sorsogon bubble ng Growling Tigers. Lumipat na ang dating kapitan sa UP. Naharap na sa ilang imbestigasyon ang UST at malaki ang posibilidad ng suspensyon. Nagbitiw na sa posisyon si Fr. Jannel Abogado sa IPEA ng unibersidad.

Lahat ng ito nagsimula sa kayabangan ng isang tao. Nais niyang maghari-harian at walang alintanang labagin ang mga regulasyon ngayong pandemya. Akala niya komo opisyal siya sa kanilang lugar ay malulusutan niya ang batas.

Kawawang mga bata at buong pamantasan. Patay ka ngayon paglabas ng desisyon.