Advertisers

Advertisers

Driver-cook pinatay sa loob ng simbahan

0 248

Advertisers

Duguan at wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang simbahan sa Placer, Masbate nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Arnel Delapoz, at nagsilbing driver at cook ng Our Lady of Remedies Parish Church.

Ayon sa pulisya, pinagsasaksak ang biktima sa loob ng kaniyang kwarto sa simbahan ng dalawang hindi pa kilalang mga lalaki ala-una ng madaling araw.



Sa report, nakapasok umano ang mga salarin sa kwarto ni Delapoz nang umakyat sa pader at dumaan sa terrace ng simbahan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.