Advertisers
MISMONG ang pinakamataas na opisyales ng Comelec na si Rowena Guanzon ang nagsabi na kung tatakbo nga raw si Angel Locsin sa pagka-senador ay sure win nga raw ito.
Dagdag pahayag ni Commisioner Guanzon na kay Angel nga raw ang kwalipikasyon ng isang mahusay na pulitiko.
Tumatak naman si Angel sa netizens sa ginagawa nitong pagtulong.
Kahit nga walang magdikta at walang titulo sa ulo ay nagboboluntaryo itong tumulong sa kapwa Pinoy
Ilang kalamidad na ba na nandun lagi ang presensya ni Angel para umayuda ng tulong.
Mas lalo naman bumilib ang netizens ng hindi nito inalintana na mahawa sa killer virus na Covid-19 ay nandun si Angel para tumulong sa mga frontliners at nagkaroon ng sakit.
Kaya lalong hinangaan si Angel ng netizens sa panahon ng pandemya.
Kaya naman ang natanggap nitong parangal ay ibinahagi nito sa kanyang mahigit na 12M followers sa kanyang socmed account.
Kahit ang netizens ay pumabor sa pahayag ni Commisioner na kung magbalak si Angel na pasukin ang pulitika at tumakbo sa halalan ay mananalo nga raw ang aktres kapag binalak na nito na suungin na rin ang mundo ng politics.
***
MAX COLLINS TODO EXERCISE SA BALIK-ALINDOG
PAGHAHANDA para kay Max Collins ang kanyang ginagawang pagwo-work out para magbalik ang sexy body nito.
Sa kabila na may anak na sila ni Pancho Magno na si Skye ay aware pa rin si Max na maibalik nito ang sexy body nito.
Ibinahagi rin ng mag-asawa ang magkatuwang nilang pag-aalaga sa kanilang panganay.
Kung si Max nga ay hands on at full time mom sa anak na gusto nitong matutukan na maalagaan ang anak.
Breast feeding naman si Max sa anak ay si Pancho ang tagapalit ng lampin at nagpapa-burp sa anak.
Mas lalo nga humaba ng magpapamilya dahil sa pandemya kaya habang nasa bahay si Max at nag aasikaso sa kanyang mag-ama ay naisisingit pa nito ang pagwo-work out.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)