Advertisers
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na target ng Task Force PhilHealth na maisumite sa Setyembre 14 ang report sa imbestigasyon hinggil sa PhilHealth controversy.
Ito ang inilahad ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Usec Markk Perete na kakayanin ng task force na makaabot sa 30-araw deadline.
Dagdag ni Perete na partikular na binusisi ng task force ang mga claim na hindi napipigilan ang IT system ng PhilHealth ang fraud gayundin ang maliit na bilang ng mga kasong administratibo at kriminal na naihain laban sa mga tiwaling opisyal ng ahensiya. Nilinaw ni Perete na kahit makapag-submit na sila ng ulat sa Pangulo ay malaki ang posibilidad na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kahit tapos na ang ibinigay sa kanilang 30-days period.
Sinabi rin ni Perete na sa ngayon balak ng task force na irekomendang magkaroon ng balasahan sa buong sistema ng PhilHealth para masolusyonan ang isyu sa katiwalian. (Josephine Patricio)