Advertisers

Advertisers

8 adik huling humigop ng shabu

0 264

Advertisers

ARESTADO ang walong drug personalities, kabilang ang apat na babae, sa aktong sumisinghot ng shabu sa Caloocan City, Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga naaresto na sina Engelica De Vera, 33; Edna Garcia, 34; Bernadette Pineda, 48; Gerardo Pineda, 50; Julius Cristobal, 19; Noel Legaspi, 54; Michelle Salo, 32; at Warris Delos Santos, 40.
Sa ulat, 10:45 ng umaga nang maaresto ang mga suspek na nagpa-pot session sa 203 Donato St., Barangay 162.
Nakumpiska sa mga suspek ang 6.4 gramo ng shabu na nasa P43,520 ang halaga.(Beth Samson)