Advertisers
MAKARAAN ang limang buwan, aarangkada na ulit ang mga kompetisyon sa FIBA.
Ang FIBA 3×3 World Tour Debrecen Masters ang pinaka-unang official competition magmula nang sinuspinde ng organisasyon ang lahat ng mga kompetisyon nito dahil sa COVID-19 noong Marso.
Labindalawa ang maglalaban-laban sa first Masters ng season na nagsimula noon pang Agosto 29 at magtatapos naman sa Agosto 30.
Tinitiyak naman ng mga organizers na masusunod ang lahat ng health at safety measures na required ng mga local at national authorities.