Advertisers

Advertisers

3 suspek sa twin bombing sa Jolo tinutugis ng militar

0 220

Advertisers

TATLO pang mga suspek sa madugong Jolo bombing ang tinutugis ng militar at pulisya sa Sulu.
Ayon kay Lt. Gen Camilo Cascolan, PNP Deputy for Admimistration, tukoy na ang tatlong suspek na pinaniniwalaan nasa likod ng pagplano at paglunsad ng magkasunod na pagsabog o pambobomba sa Jolo na ikinasawi ng 17 at ikinasugat ng 75 katao. Karamihan sa mga namatay ay sundalo.
Bukod kay Mundi Sawadjaan, ang ASG Abus Sayyaf Group Sub leader, sinabi ni Cascolan na natukoy narin ang 2 pa na siya ngayon target ng malawakang operasyon ng militar at PNP sa lalawigan ng Sulu.
Samantala, kinumpirma ni AFP Western Mindanao Command chief, MGen. Corleto Vinluan, na kabilang si Sawadjaan sa mga naka-engkwentro ng mga sundalo sa pinaigting na kampanya laban sa mga teroristang grupo nitong Sabado.
Ang engkwentro naganap 9:45 ng umaga nang masabat ng mga elemento ng 3rd at 5th Scout Ranger ang teroristang grupo sa bahagi ng Patikul, kungsaan 2 terorista at 1 sundalo ang nasawi habang 7 ang sugatan.
Kaugnay nito, binawi na ni Philippine Army Chief Lt Gen Cirilito Sobejana, ang kanyang naunang rekomendayon na isailalim sa Martial Law ang buong lalawigan ng Sulu matapos ang naganap na magkasunod na pambobomba.(Mark Obleada)