Advertisers
SAPAGKAT Lunes ngayon, ang tanong: Lalabas ba? Tanong ito sa kampo ni Rodrigo Duterte, ang sakitin at maramdaming lider na nabalita na may karamdaman at nagpapagaling umano sa isang lugar na hindi alam ng sambayanan. May nagdududa kung nasa Davao City siya. Sa subdivision na tinutuluyan kapag nasa Davao City siya, walang elemento ng Presidential Security Guard.
Hindi sineseryoso si Bong Go. Walang kredibilidad kahit anong paliwanag. May magandang teyorya si Robert Ceralvo: “My question: Dahil may sakit nga, may possibility kaya na hostage siya ni Bong Go at ng kanyang [Chinese Communist Party/People’s Liberation Army] handlers/advisers? Bong Go can continue to usurp the function of the Presidency?”
Mabilis itong sinagot ng isang kaibigang mamamahayag: “Magandang teyorya iyan. Hindi ko masagot sapagkat walang maibigay na detalye. Kaya nga dapat magkaroon ng matinding pressure para ilabas siya.”
Totoo na may matinding pressure na ilabas si Duterte sa publiko. May mungkahi na bisitahin siya ng isang grupo ng prominenteng tao, kasama ang mga lider oposisyon, kung saan man siya naroroon at magbigay ng mga patunay, tulad ng mga larawan na kasama sila, na buhay at nagagampanan niya ang tungkulin ng isang halal ng bayan.
Hanggang may duda sa kalusugan ni Duterte, patuloy na iikot ang mga haka-haka na hindi na kaya ni Duterte ang mamuno at marapat na magbigay daan siya kay Bise Presidente Leni Robredo. Sundin ang probisyon ng Saligang Batas sa succession, anila.
***
MAY ipinadalang liham ang aming kaibigan na si Clift Daluz, isang mamamahayag. Galing ang liham kay Mia Concio na naninirahan sa One Beverly Place Condo sa San Juan City. Upscale condo ito sa Annapolis Street. Anang liham:
“I have a 2 month old grandchild, the first in the Concio family, the first in her father’s line. She is beautiful and I’ve only seen her once cause she lives in this uprise condo in BGC where visitors are not allowed. Luckily, I finally held her in my arms when the condo security looked away.
“This Sunday, my daughter asked if she could bring her daughter to my place cause my daughter and her husband and I have to see my dad, who has cancer. I informed our manager that the baby is coming this Sunday.
“His response though was unequivocally heartless. The baby can come but not the yaya unless she has a SWAB test.
“Ladies and gentlemen: I asked all who had these swab tests and apparently, this manager is saying so cause of the media announcement that rapid tests are not reliable.
“What bothers me: 1. Why are all helpers, maintenance, security are required to do the SWAB TESTS at THEIR OWN EXPENSE? They can barely make both ends meet. 8-10k from their own POCKETS scream of abuse
“2. Why was there no official memo sent before issuing this new policy?
“3. My grand daughter who is 2 months old, and her yaya, who had never left her side – they are at most risk cause this building doesn’t require residents who leave to and fro to submit a swab test. And yet, the yaya who never left her side since she was born, need a swab test?
Mapapansin namin ang unfair labor practice sa San Juan City. Hindi malaman kung saan hinugot ang mga bagong alintunin. Ang masakit ay kung sino-sino lang ang gumagawa ng mga alintuntunin na hindi maintindihan.
***
APAT na beses na nagkaroon ng state funeral ang ating bansa: dalawa kay Manuel Quezon, at tig-isa kay Manuel Roxas at Ramon Magsaysay. Unang nagkaroon nang ipalibing ng gobyernong destierro (government in exile) noong 1944 ang labi ni Quezon sa Arlington Cemetery sa Estados Unidos at pangalawa nang iuwi noong 1946 ang kanyang labi.
Taimtim ang dalawang okasyon. Parehong dinaluhan ng mga kinatawan ng mga banyagang bansa ang dalawang state funeral. Noong 1948, muling nagkaroon ng state funeral nang mamatay si Roxas dahil sa sakit sa puso. Binuksan ang Malacañang sa mga ordinaryong nagbigay ng kanilang paggalang sa yumao.
Noong 1957, naglabasan ang maraming tao at naghintay upang masulyapan ang libing at kabaong ni Magsaysay na dinala sa huling hantungan sa Manila North Cemetery.
Noong 2015, hindi state funeral ang ibinigay kay Cory Aquino dahil hindi na siya ang presidente nang mamatay, ngunit sobrang kakaiba ang kanyang libing. Milyon ang lumabas sa kalsada upang masulyapan ang mahabang prusisyon papunta sa kanyang huling hantungan sa Parañaque City. Tumagal ng halos 14 oras ang pagdadala sa kanyang labi sa libingan.
Maaaring muli tayong magkaroon ng state funeral kung mamamatay si Duterte. Mangyayari iyan sa Davao City dahil ito ang kanyang kahilingan. Marapat lamang maghanda ang susunod na gobyerno na pamumunuan ng lehitimong kahalili na si Bise Presidente Leni Robredo.
***
KAHANGALAN ang panukalang batas ni Kon. Precious Castelo ng Quezon City. Iminumungkahi niya na bigyan ang sinumang nakaupong pangulo ng poder na piliin ang kanyang kahalili. Malinaw itong labag sa Saligang Batas.
Hindi namin alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa kanyang ulo. Imposible ang kanyang hinihingi sapagkat malinaw ang nakasaad sa Saligang Batas. Tanging ang Pangalawang Pangulo ang hahalili sa pangulo na namatay, nagbitiw, o nagkasakit.
Dapat maintindihan ni Precious Castelo na halal ng bayan ang Pangalawang Pangulo. May mandado siya sa ilalim na batas. Hindi puedeng isantabi basta basta ang kanyang mandando. Nauunawaan mo ba Madame?
***
ISA pang hangal ang mga nagtataguyod ng kilusan sa pagtatayo ng gobyernong rebolusyonaryo, o RevGoV. Matapos itatwa ni Duterte at sinabing hindi sila kilala at hindi siya kasama sa kanilang isinusulong, inudyukan nila ang Bise President na magtatag ng kanyang RevGov.
Hindi sila pinansin ng Bise Presidente. Hindi sila kailangan at hindi sila kasama sa laro. Kung larong teks ito, hindi sila uubra kahit panggulo lamang sila. Kung may mangyari kay Duterte, automatic na uupo ang Pangalawang Pangulo. Iyan ang sinasabi ng Konstitusyon. Malinaw ba, Bobby Brillante at Martin Diño?
***
Email:bootsfra@yahoo.com