Advertisers

Advertisers

Bagong Philhealth chief, manggagaling sa pribadong sektor – Sen. Go

0 241

Advertisers

KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go na target ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipalit bilang president and CEO ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang isang indibidwal na kayang linisin ang ahensya mula sa pinakamataas hangang sa pinakamababang posisyon.

Ayon kay Go, dapat ay matapang, malinis at may will power ang susunod na presidente ng PhilHealth habang zero tolerance ang magiging policy nito.

Bagama’t hindi pinangalanan, nagpahiwatig si Go na ang tina-target ng pangulo na susunod na PhilHealth Chief ay mula sa private sector pero sanay sa pag-iimbestiga at posibleng silent worker ito.



Sinabi ni Go na kailangang mag-move forward na ang PhilHealth kung saan dapat ay nagbibilang ang ahensiya ng kung ilan na ang natulungang pasyente taliwas sa naririnig ngayong usapan tulad ng magkano ang mga nanakaw sa ahensiya.

Ayon kay Go, pagod na at nabibingi na si Pangulong Duterte sa mga naririnig niyang katiwalian sa PhilHealth at mga reklamo ng irigularidad.

Binigyang-diin ni Go na kritikal ang papel ng PhilHealth ngayong nahaharap sa health crisis ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic kaya naman dapat ay magamit sa mga miyembro ang bawat pisong pondo ng ahensiya.

Matatandaang inihayag ni Go na posibleng ianunsyo ni Pangulong Duterte bukas araw ng Lunes ang hahalili kay Ricardo Morales bilang president and CEO ng PhilHealth. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">