Advertisers
Matagal na po kaming nagtitiis sa mga pusher d2 sa lugar namin. Hindi naman inaaksyunan ng barangay, pinababayaan lang. Ang kapitan namin nuon pa man hindi naman niya bisitahin yung road namin, huli ko syang nakita yung nag-eleksyon, nangampanya sya para sa mga dala nyang mayor d2 po Road 2 extension, North Daang Hari, Taguig city. Pati mga kuryente illegal. Baka pwede po kayo na ang umaksyon.
Ito po ang mga pangalan ng mga pusher at runner: Ruby, Nene at Ronnie. Sila ang mga pusher. Ang mga runner naman sina Danny, Ferdinand Jr/ Sr at alyas Jun Lugaw. Yung iba dumadayo pa para mag-runner ng shabu. Sana maaksiyunan na ito ng mga pulis lalo taga-PDEA. Sana mawala na ang mga salot sa droga d2 sa lugar namin. – Concerned citizen
Reklamo ng vendors sa Divisoria vs DPS-MCH
Report ko yung mataba na pinuno ng DPS-Manila City Hall. Walang awa na pinakakarga yung saging at singkamas na paninda namin. Nakatabi naman po. Hinakot na nga namin para matabi, kinakarga parin po. Kahit tingnan nyo sobrang nakatabi na po kami. Nakagitna po sidecar at mga motor. Sa akin lang po… kung nakagitna ok lang hulihin. Disiplinado po mga tindera rito sa Asuncion. 5:00 palang ng umaga nagwawalis na kami at tumatabi.
Mga umaasa sa SAP sa Brgy. 393, Manila
BAKIT HANGANG NGAUN WALA PA RIN SAP D2 SA MAYNILA, BRGY. 393 ZONE 40? ILANG BUWAN NA PO KAMI NAG-AANTAY. INABOT NA PO TAYO NG TAG-ULAN. BAKA NAMAN PO BIGLANG MAPASAMA SA ULAN ANG PAGHIHINTAY NAMIN AT NG IBA PANG TAO. MAAWA NAMAN PO KAYO SA MGA KATULAD NAMING UMAASA. – UMAASA SA SAP