Advertisers
SA episode ng ‘Mars Pa More’, ibinahagi ni Sheryl Cruz kung paano natulungan ng paghu-hula hoop ang scoliosis niya. Aniya, “Kasi when you walk ‘di ba you tend to slouch most of the time, lalo na if you’re heavy. It helped me straighten my back. Yung posture ko, mas maayos siya.”
Bukod sa nakakatulong sa weight loss, magandang full body workout din daw ito. Dagdag na tip ng ‘Magkaagaw’ actress para sa beginners, gumamit muna ng bigger o heavier hoops dahil mas mabagal na rotation ng katawan ang kailangan nito kumpara sa mas maliliit na hoops.
***
Pancho Magno ready nang magbalik-trabaho para sa ‘I Can See You’
Nakahanda nang sumabak sa taping ang Kapuso actor na si Pancho Magno para sa weekly series na ‘I Can See You: Love on the Balcony.’
Makakasama niya rito sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at versatile Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith.
Sa panayam ng 24 Oras, naikuwento ni Pancho na doble ang paghahanda ng aktor sa kanyang pagbabalik-trabaho sa ilalim ng new normal. “Nandu’n ‘yung hindi mo alam kung anong mangyayari. Nakakatakot but nag-swab testing kami and I do take my vitamins everyday rin naman. Nag-e-exercise, siyempre, kailangan maging healthy, lalo na ngayon may baby na sobrang healthy.”
Samantala, aminado si Pancho na very hands-on sila ng asawang si Max Collins sa pag-aalaga kay Baby Skye Anakin.
Nakatutok si Max sa pagbe-breastfeed kay Skye habang si Pancho naman nag-aasikaso sa mga pangangailangan ng kanilang baby boy.
“Lagi siyang nakadikit. Sobrang Mama’s boy, e. Pero kapag ako nagpapaligo, nagpapalit ng diaper, tina-try ko kung ano man ‘yung magagawa ko, except sa breastmilk,” dagdag pa niya. (Rommel Gonzales)