Advertisers
NAKIKITA na ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations, Police Maj. General Rhodel O. Sermonia na magwawakas sa malawakang tagumpay ang laban ng PNP kontra sa illegal drugs at ito ay bilang pagpapakita ng pagtugon sa kautusan ni President Rodrigo Roa Duterte na nakatakdang bumaba sa puwesto sa darating na taon.
Tulad ng communist armed conflict, sinabi ni Sermonia na sa kabila na kakaunting panahon na lang ang natitira ay tiwala siya na magtatagumpay o matatamo ang “strong finish” sa mga pangako ng Pangulo na kampanya kontra iligal na droga, kung saan ipapakita ang pokus sa mga deklaradong probinsya, bayan, siyudad, pamayanan at barangay bilang mga drug cleared o drug free.
Ang agresibong laban kontra illegal drugs ay nagsimula sa panahon ni former PNP Chief, Ronald “Bato” dela Rosa kung saan ang flagship program nito ay tinawag na TokHang. Lahat ng sumunod na hepe ng PNP ay nagpatuloy sa matagumpay na kampanya laban sa iligal na droga hanggang kay General Guillermo Lorenzo Eleazar. Si Eleazar ay mayroon ding agresibong kampanya kontra ilegal na droga kasabay ng kanyang Intensified Cleanliness Policy (ICP).
Si Senator Bong Go ay masigasig na taga-suporta ng PNP Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), na siyang pangunahing sangkap sa tagumpay ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga. Ang KKDAT ay isang youth-based advocacy group na aktibo sa mga civic activities at advocacy efforts.
“PNP’s basic approach to illegal drugs problem are anchored on market denial of supply of illegal drugs and insulate communities from the illegal drugs menace through community based activities in partnership with different stakeholders, which actually are not new,” pahayag ni Sermonia
Idinagdag pa nito na : “In order to increase the chance of attaining the “strong finish” on illegal drugs campaign, the PNP Directorate for Operations will focus the direction of the campaign towards revitalizing policies and revive programs and activities that have been proven to deliver conclusive successes in the fight against illegal drugs, provide necessary operational requirements to roll out and sustain tactical engagements in this campaign such as interdiction operations, information warfare, and stakeholders’ mobilization, and synchronized multi-agency efforts to boost interoperability and collaborative partnership activities.”
Ayon pa kay Sermonia, kasabay ng kasalukuyang agresibo at intelligence-driven anti-illegal drugs operations, ang pagdakip sa mga high value targets at ang pagkumpiska sa mga milyung-milyong pisong halaga ng illegal drugs, nagagawang pababain ng PNP ang demand reduction activities nito tungo sa paglilinis sa mga barangay sa mga iligal na droga. Kabilang dito ang pagpapalakas ng Barangay Anti-Illegal Drugs Councils (BADAC) at pagpapatatag ng samahan sa ibat-ibang grupo na sumusuporta sa Recovery and Wellness Program (WRP) ng PNP.
“WRP is the PNP’s flagship program on community-based reformation and rehabilitation, which through the help of stakeholders, enabled government agencies to help illegal drugs personalities to avail life-changing reformation though mental health support services, livelihood trainings, spiritual and physical development, and other after-care services that will retool former illegal drug personalities to go back to the mainstream and live their lives as productive, law abiding and God fearing individuals,” sabi ni Sermonia
Si Sermonia rin ang may akda ng matagumpay na Bahay Pagbabago Reformation Centers sa lalawigan ng Bataan noong 2015, kung saan in-adopt ng Dangerous Drugs Board para sa kanilang Balay Silangan Program.
Ang Bahay Pagbabago at ang tagumpay ng RWP sa Central Luzon ay kapwa naging instrumento upang ang Bataan at Aurora ay maideklara bilang mga drug clear provinces noong 2020.
Ayon pa kay Sermonia, dahil sa COVID 19 pandemic, ang mga inisyatibo ng RWP ay napahinga dahil na rin sa ipinagbabawal ang mass gathering gayunman ay nakatakdang buhayin ng PNP-DO ang community-based reformation programs sa pamamagitan ng online-based interactions.
“The ultimate objective of “strong finish” is to manifest success in barangay drug clearing, which is doable even in so short a time, ” pahayag ni Sermonia. Idinagdag pa din nito na ang kasalukuyang tala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagpapakita na hanggang September 30, 2021 ay may 23,084 mga barangay mula sa 42,045 barangays ay declared bilang drug free, na binubuo ng 54.90% na target na mga barangays.