Advertisers
CAMARINES SUR – Nasabat mula sa tatlong drug personalities ang nasa P1.7 milyon halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon nitong Linggo, at Lunes sa Camarines Sur.
Ayon kay Master Sergeant Tobias Bongon ng Naga City Police, naaresto ang mga suspek na sina Jonathan Fabi at Herbert Endaya, kapwa 32-anyos sa Barangay Penafrancia nang mabilhan ng dalawang sachet ng shabu ng isang undercover agent.
Nagkakahalaga ng P150,000 ang iligal na droga na nabili sa mga suspek na kasama rin sa drugs watch list ng lokal na pulisya.
Maliban dito, narekober rin sa dalawa ang 200 gramo pa ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.
Sa hiwalay na operasyon, nadakip rin ang isa pang suspek sa Daet, Camarines Norte na kinilalang si Ely Abria Maanio, 38 anyos, nang makuhanan ng 10 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.