Advertisers
NAOSPITAL ang 14-anyos na binatilyo nang abusuhin ng bading na isang kawani sa munisipyo sa Surigao City.
Pormal na nagtungo sa Women’s and Children’s Protection Desk-Surigao PNP ang ina ng biktima na itinago sa pangalan Toto ng Brgy. Mabua, Surigao City para magsampa ng kaso laban kay Delfin Uy na may mataas na katungkulan sa isang ahensya ng nasabing bayan.
Ayon sa reklamo, Agosto 17 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang resort sa nasabing lungsod.
Kwento ng ina, naglalakad ang kanyang anak sa resort kasama ang mga kaibigan nang bigla na lamang silang kinausap ng suspek na babayaran kapalit ng pag-blow job na tinanggihan naman ng biktima.
Subali’t, bigla na lamang umanong pinapasok ng suspek ang biktima sa cottage nito at doon isinakatuparan ang pagnanasa ni Uy.
Ilang araw ang makalipas nagtaka ang ina ng biktima kung bakit tahimik ang anak at iika-ika kung maglakad.
Sa pag-usisa ng ina nagsumbong ang biktima na pinag-bj siya ng suspek at ipinasok ang ari sa kanyang puwet saka kumuha ng kutsilyo at nagtangkang magpakamatay dahil sa trauma nitong nararanasan.
Sinabi ng ina ng biktima na dismayado sila pulisya dahil sinabihan silang maimpluwensyang tao ang kanilang babanggain pero hindi naman sila nagpatinag at desidido silang magsampa ng kaso laban dito.
Isinailalim na rin sa medical examination ang biktima at hihintay na lamang ang resulta ng kanyang blood at urine sample.(PTF team)