Advertisers
Patay ang isang opisyal ng barangay nang tambangan sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Hayrollah Matabalao Bateg 33, binata at Barangay Kagawad ng Brgy. Kalakacan Pikit North Cotabato.
Ayon sa ulat, habang sakay ang biktima sa minamaneho nitong motorsiklo sa Barangay Dalingaoen Pikit Cotabato, bigla itong dinikitan ng riding in tandem at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
At mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.
Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaslang sa biktima.(PTF team)