Advertisers

Advertisers

Senglot nagrambo: 2 patay, 1 sugatan

0 227

Advertisers

Patay ang dalawang katao nang pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay na naghuramentado pagkatapos nilang mag-inuman sa dinaluhan na pre-wedding blowout party sa bayan ng Calatrava, Negros Occidental.
Kinilala ang mga nasawi na sina Mayo Lumanog, 30; at Sergio Cabriana, 31-anyos. Habang sugatan naman ang barangay tanod na si John Bacoli, 54, pawang mga residente ng Sitio Binasagan Macasilao, ng nasabing bayan.
Nakakulong na sa Calatrava Municipal Police Station ang salarin na si Antonio Dumalag Jr., 31, at residente ng nasabing lugar.
Sa report, naganap ang insidente umaga ng Agosto 28 sa naturang lugar at galing sa inuman ang mga biktima at si Dumalag at nang malasing ito, bigla na lamang nagwala at hinamon ng away sina Lumanog at Cabriana.
Ayon sa ulat, nagkarambola ang tatlo dahilan para pumagitna naman si Bacoli para awatin ang mga ito. Naglabas ng kutsilyo si Dumalag at hinalihaw ng saksak ang mga biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na ikinasugat naman ni Bacoli.
Nakatakda ng sampahan ng kasong pagpatay si Dumalag.(PTF team)