Advertisers
HINATID na sa kanyang huling hantungan ang abo ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa Manila North Cemetery, kahapon ng umaga.
Bago inihatid sa MNC, idinaan muna ang urna ni Lim sa Manila City Hall,Manila Police District (MPD) at National Bureau of Investigation (NBI).
Dumiretso rin ang convoy sa Senado sa Pasay City kung saan nagsilbi bilang Senador noong 2004 hanggang 2007.
Mula sa Manila City Hall, idinaan din ang abo ni Lim sa Simbahan ng Tondo para sa pagdaraos ng isang misa bago dinala sa MNC para sa inurnment.
Si Lim ay namatay dahil sa COVID-19 na nagkumplikasyon sa kidney sa edad 90 noong Agosto 8.
Ang namayapang alkalde ay nagsilbi bilang City Mayor ng Maynila ng may 12 taon, mula 1992 hanggang 1999 at 2007 hanggang 2013, naging NBI Director noong 1989-1992, at Interior and Local Government Secretary noong 2000 hanggang 2001. (Andi Garcia)