Advertisers
Mahigit P2 milyong halaga ng marijuana ang nasabat sa apat na tulak ng droga na naaresto sa Rizal, Makati City.
Target ng operasyon ang umano’y lider ng grupo na si Carlo Nicol na dati nang nakulong sa kasong droga at miyembro rin ng Delos Reyes Drug Group sa Makati.
Dumating si National Capital Region Police Office chief Police Brigaider General Vicente Danao Jr. para kausapin ang mga nahuli ngunit nagalit lamang ito nang hindi sinagot ng mga suspek ang kanyang mga tanong.
Ayon naman kay Makati Police chief Police Colonel Harold Depositar, malaking grupo ang Delos Reyes Drug Group ngunit 12 sa 20 miyembro nito naaresto na.