Advertisers
INIHAYAG ng hepe ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations, Major General Rhodel O. Sermonia, na ang pagtatapos sa pakikipaglaban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ay nalalapit na.
Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Sermonia na ang PNP kasama ang lahat ng sangay ng pamahalaan sa pagsusulong ng “whole-of-nation approach”, ang siyang tatapos sa limang-dekada nang insureksiyon ng CPP-NPA-NDF bago pa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa June 30, 2022.
“Matapos ang limang-dekada, tanging ang Administrasyong Duterte lamang ang determinado na pagsama-samahin ang lahat upang masolusyunan ang problema ng insureksiyon. Sa mga nagdaang taon lamang, nakita na natin unti-unting pananagumpay gaya ng pagsasabatas ng anti-terror bill at ang pagbansag sa mga CPP-NPA bilang mga terorista, at maging ang mandato ng Executive Order 70 na nagtatago ng NTF-ELCAC. At marami pa pong ibang mga programa para finally we can end this local communist armed conflict,” paliwanag ni Sermonia.
Ipinunto rin ni Sermonia na ang pagtatagumpay laban sa CPP-NPA-NDF ay dahil na rin sa mahusay na paninindigan ni Pangulong Duterteupang wakasan na ang paghanari-harian ng mga komunistang-terorista.
Ang pagkakatatag ng NTF-ELCAC, aniya, ay isang pinaka-mahalagang pamana ni Pangulong Duterte, na nagpagaan sa mga pulis na makipag-tulungan sa mga Filipino na pahinain at pilayan ang hanay ng CPP-NPA-NDF sa malalayong lugar sa pamamagitan ng “massive police-community relations.”
Sa legal namang opensiba ng Administrasyong Duterte, gaya ng Anti-Terror Law, maging ang pinansiyal na kapasidaf ng komunistang-terorista ay nalansag.
“Nahubaran natin sila ng mga maskara, at kung sino sa kanila ang mga kadre sa pagpapakilos nila ng kanilang mga front organizations,” dagdag pa niya, at malaki rin daw ang naitulong ng pagiimplementa ng Barangay Development Program (BDP) at pagtatatag ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups bilang mga ‘force multipliers.’
Ang kailangan na lamang, ayon sa mataas na opisyal ng PNP, ay “strong finish” upang madama ng bawat Filipino ang “decisive victory” ng pamana ni Pangulong Duterte.