Advertisers

Advertisers

Bakit sumirit sa lahat ng surveys si BBM?

0 382

Advertisers

At this point in time kung saan halos wala pangkalahating buwang nakakapagsumite ng certificate of candidacy (COC) ang mga aspirante sa pagka-Pangulo ng ating bansa para sa May 9, 2022 national elections, sumirit nang napakabilis papataas sa lahat ng random surveys si former Senator Bongbong Marcos.

Ito ang pangunahing dahilan para magpanic at magbigay ng nerbiyos sa kampo ng oposisyon na kinakatawan ng 1Sambayan ni VP Leni Robredo ang mga huling kaganapan.

Kung baga, maraming oligarkong pamilya gaya ng mga Lopezes at Ayalas ang literal na nangangatog ang mga “balls”.
Bakit nga ba hindi, kay VP Leni nakapusta ang kanilang buong kayamanan at kinabukasan!



Kapag si BBM kasi ang manalo bilang ika-17 Presidente ng Republika ng Pilipinas, maglalabasan ang nakakasulasok na baho na malaon nang binaluktot at ikinubli ng bulaang rehimeng Aquinos at ng mga DILAWAN.

Mabubuking kung paanong naibalik sa poder ng mga Lopez ang ABS CBN, Meralco at iba pang higanteng kumpanya mula sa gobyernong Marcos na laway lamang ang naging kapalit o kabayaran.

Sa rehimeng Duterte, kilabot at malaking takot ang sumapuso at bumalot sa buong pagkatao ng mga tunay na MAGNANAKAW!

Mabibisto rin kung paanong nagpagamit ang mga Aquino sa mayayamang negosyante ng bansa upang manatili lamang sa poder at ‘wag nang muling makabalik pa sa Pilipinas ang mga Marcoses na kanilang itinuturing mortal na kaaway.

Ika nga, takot sa kanyang ginawang sariling multo ang mga Aquinos at ang mga kaalyado nitong DILAWAN.



Dahil sa desperasyon ng mga ito partikular na ang kampo ng Liberal Party (LP), binu-bully na ng mga kampon ni Leni ang iba pang aspirante sa pagka-Pangulo gaya nina Yorme Isko Moreno, Sen. Ping Lacson at maging si Sen. Manny Pacquiao.

Pinipilit at iginigiit ng mga taga-1Sambayan na paatrasin sina Moreno at Lacson upang mabuo ang isang koalisyon na sa paningin ng mga taeng DILAWAN ay bubuhat sa ilusyon ni Leni Robredo na maging Pangulo.

In so doing, sa halip na mapagkaisa ang puwersa ng oposisyon, tila nag-backfire ang diskarteng ito ng kampo ni Robredo.

Na-offend hindi lamang si Yorme Isko kundi maging si Senator Ping.

Feeling ni Ping at Isko, binabaraso, minamaliit at binabastos sila ng mga senador na kaalyado ni VP Leni mula sa Liberal Party sa pangunguna ni Sen. Tababoy Drilon.

Going back sa hindi matatawarang lakas ni BBM sa unang stages ng nalalapit na halalan, mas lalakas pa ito sakaling maplantsa nang ganap ang merger ng mga Marcoses at Duterte sa pagsapit ng November 15 kung saan itinakda ang deadline sa proseso ng substitution sa mga tatakbong kandidato ng bawat partido.

Sa ngayon, wala pang inilulutang na official runningmate sa pagka-bise presidente ang kampo ni BBM habang nananatiling “interim” ang Sen. Bato-Sen. Bong Go tandem (Ba-Go) ng administrasyong Duterte-PDP Laban.

Marami ang nagsasabi na posibleng palitan ng sino man sa mag-amang Rody Duterte o Inday Sara Duterte si Senator Go na bubuo sa isang formidable powerhouse tandem ng Marcos-Duterte.

What will happen to Sen. Bato dela Rosa then na kilalang loyal at diehard supporter ng mga Duterte?

As simple as “eating apple” lamang ang magiging senaryo, magwiwidraw ito at ofcourse susuportahan ang BBM-Duterte duo.

Dela Rosa and Go will remain to be senators of the land because their terms will end till year 2025.

Sa kaganapang ito, it will boils down to a confrontational date with the pro Marcos and anti Marcos groups kung saan nabibilang ang mga kampon ni VP Leni.

The Marcoses particularly BBM direly and badly needs the Dutertes para di na muling makapangyari pa ang naging “alleged massive cheating” noong 2016 elections kung saan nilamon nang tsunami sa iilang saglit ang malaking kalamangan ni Marcos over Leni Robredo pag-arangkada ng bilangan ng boto.

Sa senaryong ito, lalong ninerbiyosin hindi lamang si Robredo at mga senador na alipores nito kundi ang mga oligarkong pamilya na nakapusta ng todo gaya ng mga Lopezes,Ayalas at Pangilinan sa mga Yellowtards who turned into Pink mode.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.