Advertisers
NASILAT ng Utah Jazz ang Miami Heat sa iskor na 101-99, sa scrimmage sa Walt Disney World Complex sa Orlando-Florida kahapon.
Dikdikan ang laban, tam[pok ang walong deadlocks at 16 na palitan, Sumablay ang three-point attempt ni Miamis Solomon Hill sa buzzer na nagpanalo sana sa game para sa Heat.
Umiskor si Rudy Gobert ng 21 points, eight rebounds at two blocks upang pamunuan ang Jazz. habang nagdagdag si Jordan Clarkson ng 17 points,four rebounds, two assists, at two steals.
Habang si Kelly Olynk naman ang nanguna sa Heat na may 27 points at eight rebounds.
Sa isa pang scrimmage, Nilampaso ng league-leading Milwaukee Bucks ang Sacramento Kings 131-123.
Umabante ang Milwaukee ng halos 29 points, naidikit ng Kings sa second half pero talagang kinapos.
Umiksena sina Kyle Korver na may 22 points at Brook Lopez 21 points, upang pamunuan ang scoring para sa Bucks. Reigning MVP Giannis Antetokoumpo ay naglaro lang ng 16 minutes at nagtapos ng 15 points, nine rebounds at six assists.
Buddy Hield mula sa bench umiskor ng team-high 19 points para sa Kings.
Samantala, Caris Levert kumamada ng 27 points upang akayin ang Brooklyn Nets patungo sa 124-119 wagi laban sa makupad na San Antonio Spurs.
Pitong players ang umiskor ng double-digits para sa Los Angeles Clippers upang ilista ang manipis na 105-100 wagi kontra Washington Wizards.