Advertisers
MARIING kinondena ng pamilya at pulisya ang panibagong insidente ng pamamaril sa lungsod ng Midsayap na ikinasawi ng tatlong kalalakihan na mga ‘payong-payong’ driver sa bahagi ng Poblacion 2, Midsayap, North Cotabato.
Kinilala ang mga biktima na sina Ryan Litoc Bano, 20 anyos, may asawa, ng Poblacion Datu Piang, Maguindanao; Nasrudin Mantikayan, 25, ng Barangay Damatulan, Midsayap; at Taha Alimudin Dukay, 58, may asawa, ng Barangay Buayan, Datu Piang.
Sa panayam kay Police Lt. Col. Rolly Oranza, hepe ng Midsayap Muncipal Police Station, nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril upang matukoy ang motibo sa pagpaslang sa mga biktima.