Advertisers
Mahigit P18.4 Milyon ang halaga ng nasabat sa Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, sa Mt. Province.
Ayon kay Gil Cesar Castro, Regional Director ng Philippines Dr7gs Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region o PDEA-CAR ang mga naarestong suspek kinilalang sina Jorge Tomaldong Eyawon, 34-anyos; Dario Di-wean Diway, 23-anyos; at Jake Caesar Bulosan Linchangan, 19-anyos na kapwa residente ng Cudal, Tabuk City, Kalinga
Sa pinagsanib na pwersa ng PDEA Mt Province, PDEA MIMAROPA, Sadanga MPS, PIU/DEU-MPPPO, MPPMFC 2nd Coy, narekober ang isang daan apatnaput walo o (148) piraso ng pinatuyong dahon ng marijuan bricks, anim (6) piraso ng tubular na naglalaman ng marijuana na tumitimbang ng halos mahigit kumulang 154,000 grams na nagkakahalaga ng Php18,480,000 .
Maliban sa pinatuyong dahon ng marijuana nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang (1) gray Nissan Almera with conduction sticker F4 I137, Tooter, Lighter, Brown Leather Belt Bag, Spare Tire, anim na Coconuts, Green Sack, Blue Sack, Yellow Sack, dalawang White Sacks, Vivo Smartphone, White Samsung Keypad Cellphone, Black Nokia Keypad Cellphone.
Pansamantala nasa Sadanga Police Station ang mga naarestong suspek habang inihahanda ng mga operatiba ang kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rey Velasco)