Advertisers

Advertisers

Pandemya: Sukatan ng mga halal na opisyal

0 346

Advertisers

SA halos dalawang taon nang pandemya sa Covid-19, nakita, nasukat ang kalidad o kung anong uri ng opisyal ang ating mga ibinoto noong nakalipas na eleksyon.

Ang pinatutungkulan ko rito ay ang mga nahalal na kongresista, gobernador at mayor.

Oo! Sa 20 months nang Covid-19 pandemic sa bansa, nakita natin ang performing congressmen, governors at mayors. Sila ang mga dapat nating ipuwesto uli sa dara-ting na halalan.



Yaon namang mga walang ginawa, hindi nagpakita, walang paki sa pagkagutom ng kanyang mamamayan, wala nang rason para botohan pa sila. Loko-loko ka na kapag isinulat (shade) mo pa sa balota ang kanilang pangalan. Mismo!

***

Maraming bago at batang kandidato ngayon para sa lokal 2022 election. Magandang subukan sila, kapalit ng traditional politicians (trapos) na puros pangungulimbat nalang sa kaban ng bayan ang inaatupag.

Ang mga bata lalo kung professional at galing sa hirap ay tiyak na may mga vision sa kanilang bayan. Hangad nilang umasenso pa ang kanilang lugar na sinilangan at mabigyan ng magandang buhay ang maraming mahirap na mamamayan. Let’s give them a chance, folks!!!

Yes! Pagpahingahin na ang matatandang politiko, bigyan-daan ang mga bata na gusto maging lingkod bayan para guminhawa ang kanilang mamamayan. Let’s do it!!!



***

May panalo si Senador Bong Go sa kanyang pagtakbong Bise Presidente lalo na kung si Bongbong Marcos ang kanyang running mate (Presidente).

Si Bong Go ay nag-file ng CoC as VP ng walang Pre-sidente sa ilalim ng nabiyak na PDP Laban-Cusi faction.

Si Bongbong Marcos naman ay nag-file ng CoC for President ng walang VP sa ilalim ng partido Federal.

Si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, miyembro rin ng PDP Laban, ay last minute naman nag-file ng CoC for president. Si Bong Go raw ang kanyang Vice.

Ang nangunguna sa presidential survey na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay nag-file ng CoC as reelectionist.

Pero ang lahat ng ito ay posibleng mabago bago matapos ang deadline ng substitution sa Nobyembre 15.

Maaring magwidro si Bong Go para bigyan-daan si Sara para maging running mate ni Marcos.

Maari ring magwidro si Bato para bigyan-daan si Sara para running mate ni Bong Go.

Pero ang pinakagusto ng supporters ng Duterte at Marcos ay ang Bongbong-Sara o Sara-Bongbong. Ang dalawang ito ang 1-2 sa presidential surveys.

Again, sakali mang hindi na magalaw si Bong Go sa kanyang kandidatura sa pagka-VP, may laban ito sa nangungunang si Sen. Tito Sotto at maging kay Sen. Manny Pacquiao kapag bumaba ang huli sa VP.

Si Pacquiao ay nag-file ng CoC for President. Pero tila nawala ito sa sirkulasyon ng presidentiables. Maging ang kanyang running mate na si Lito Atienza ay hindi na pinag-uusapan. Posible magwidro nalang si Atienza at tumakbo uli sa lokal.

Posible mag-VP nalang si Pacquiao kay Leni Robredo na may mahinang running mate (Sen. Kiko Pangilinan).

Anyway, malalaman natin ang lahat nang ito bago ang Nob. 15. Subaybayan!