Advertisers

Advertisers

Dating Konsehal pinagnakawan, pinatay at sinunog

0 338

Advertisers

Karumal dumal na kamatayan ang sinapit ng isang Senior Citizen sa kamay ng 3 kalalakihan na inupahan ng biktima upang gumawa ng mga kulungan ng kaniyang mga  manok na matapos itong pagnakawan ay pinagtulungan pang patayin bago sunugin, nitong Miyerkules sa Brgy. Bucal Maragondon, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Raulito Aquino, 63, may asawa, dating konsehal ng Maragondon, Cavite at residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, halos hindi na makilala ang biktima ng maapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog sa bahay.
Ayon sa report, mag-aala una na ng madaling araw ng biglang sumiklab ang malakas na apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima.
At sa mismong kuwarto ng biktima nagmula ang sunog na inakala lamang ng mga kapitbahay nito na problema lamang sa kable ng kuryente ang pinagmulan ng sunog.
Nang maapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog, dito na tumambad ang katawan ng isang tao na sunog na sunog.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alamang hindi lamang sunog ang ikinamatay ng naturang matanda kung saan nakitaan ito ng mga saksak at palo sa ulo, leeg at dibdib.
Lumalabas na pinagnakawan ng 3 salarin na kinilalang sina Marvin Madugay, Mark Kevin Dicen at Arnold Faustino pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Ternate at Maragondon Cavite.
Ayon sa tumayong saksi sa krimen, 12:00 ng madaling araw ng magising sila hinggil sa sunod sunod na kahol ng mga aso. At nang kanila silipin ito, nakita nila ang 3 lalaki na papasok sa bahay ng biktima.
At dahil alam nilang tauhan ito ng matanda kung kaya binalewala nila ito subali’t ilang minuto lamang ng muli silang mabulabog ng malalakas na kahol at ng muli isilang sumilip at nakita na nila na nagliliyab ang mismong kuwarto ng biktima.
Sa report, nawawala ang mga pera, cellphone, alahas at mahahalagang gamit ng biktima.
Pinaghahanap na ng mga otoridad ang mga tumakas na salarin.(Irine Gascon)