Advertisers
Basag ang bungo ng isang guro nang hatawin ng matigas na bagay ng mga hinihinalang magnanakaw sa sa Himamaylan City, Negros Occidental nitong Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Cecilia Adurador, 55, guro ng Agisan Elementary at residente sang Purok 10, Brgy. Agisan, Himamaylan City.
Sa report, 2:00 ng hapon ng Agosto 27 natagpuan ang bangkay ng biktima sa kanyang silid.
Ayon kay Police Major Romeo Vargas, maaaring nangyari ang panloloob madaling araw ng Miyerkules, at posibleng nagising ang biktima at nakilala ang mga salarink kaya pinatay si Adurador.
Nang pinasok ng pulis ang kwarto ng biktima, nakakalat na ang maraming kagamitan nito, kaya nakatutok sa pagnanakaw ang anggulo ng kanilang imbestigasyon.
Inaalam pa ng pamilya kung anong mga pag-aari ng biktima ang nawala.
Ayon kay Vargas, may dalawang suspek na silang minamanmanan at nakatira lang sa parehong lugar.(PTF team)