Advertisers

Advertisers

Covid update: 8,292 bagong kaso; 302 gumaling; 36 nasawi

0 250

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 8,292 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Oktubre 11.

Samantala ay mayroon namang naitalang 302 na gumaling at 36 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.7% (98,894) ang aktibong kaso, 94.8% (2,536,260) na ang gumaling, at 1.48% (39,660) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 9, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)