Advertisers

Advertisers

Brown, Green, Black at Pink!

0 431

Advertisers

Nagpositibo sa Covid 19 si Jaylen Brown ng Boston. Nadiskubre ito noond Sabado at asymtomatic naman siya ,

Namis tuloy ng 2016 3rd overall pick ang exhibition game kontra Toronto.

Hindi malinaw kung bakunado na ang mag-25 anos sa ika-24 ng buwang kasalukuyan.



May average noong isang taon na 25 na puntos at 6 na rebound kada laban ang Celtic forward.

Samantala ang kanyang halos katokayo na si Jalen Green ay impressive sa mga una niyang mga laro ngayong pre-season bilang Rocket. Kinukunsidera si Green na dugong Pinoy dahil ang ina niya ay Fil-Am. Ang lola niya ay isang Ilokana.

Naglaro siya dito sa NBTC noong 2018 at 2019 at maraming bumilib sa 6-6 na guard.

Bahagi rin ang 19 na teenager at ipinanganak sa California sa Team USA sa FIBA Under 17 na kampeon dalawang taon na nakalipas.

Sa atin naman ay napipintong magbakasyon nina Coach Norman Black at Bolts sa PBA. Down sila 1-3 sa katunggaling Magnolia sa serye nila sa semis. Kailangan maipanalo nila ang Game 4 kahit may injuries ilang manlalaro nila. Kung hindi ay balik-Kamaynilaan na ang Meralco.



***

Dito sa atin nagmistulang Pink Pilipinas dahil yan ang kulay ni Leni Robredo para sa halalan 2022. Inadopt lang daw ni VP ang color dahil ganyan isinasabit na mga ribbon ng kanyang mga supporter. Grabe ang Facebook at ibang social media sa pagiging rosas. Nagulantang mga kakampi o mga kalaban.

Malalaki o maliliit na tao man. Sikat o pagkaraniwan. Kabataan o seniors. May ngipin o wala.

***

Ire raw si Inday na walang H dinapuan din ng Covid. Pero hindi natin batid kung totoo. Dangkasi’y nagdududa ang publiko at baka gimik lamang. Una ay aalis daw ng ika-5 hanggang ika-8 ng Oktubre nguni’t hindi natuloy. Maarte kasi ang pamilya nila.

Kung totoo ay hangad natin kanyang agarang paggaling.

Sa basketball na international competition ay pinapayagan magpalit ng player pero kailangan kasali sa alternate list at hanggang coaches/mangers meeting lamang.