Advertisers

Advertisers

Pulis na Covid19 positive patay sa sariling pistola

0 319

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang aksidenteng mabaril nito ang kanyang sarili habang nasa isolation room ng ospital sa San Jose City, Nueva Ecija nitong Linggo.

Kinilala ang pulis na si SSgt Reynante Menia, 43 anyos , may asawa, ng Barangay Villa Joson, San Jose City, at nakatalaga sa Rizal Municipal Police Station.

Ayon kay Lt. Colonel Criselsa de Guzman, hepe ng San Jose City Police Station, na-admit si Menia sa naturang ospital nang magpositibo ito sa Covid19 nitong Octubre 8.



Subalit hindi ito ang kanyang ikinamatay kundi ang aksidenteng pagka-kalabit sa kanyang service firearm na 9MM Piettro Barretta pistol habang nililinis nya ito na tumama sa kanyang ulo. (Ma Jessica Erana)