Advertisers

Advertisers

Mga ‘buwisit’ at ‘tulisan’ na kandidato

0 549

Advertisers

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon sa social media ang mga kandidato na anila’y “buwisit” at “tulisan”.

Kung tama raw ba na tawagin “nuisance” o “buwisit” ang kandidato na kaya nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) para sa 2022 election ay dahil inutusan lang ng kanyang “amo”?

Ginawang halimbawa rito ng batikang kolumnista at Journalism Professor na si Philip Lustre si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na sopresang humabol sa deadline sa pag-file ng CoC sa pagka-pangulo sa Comelec nitong Oktubre 8, Biyernes ng hapon.



Sabi ni Bato, inutusan siya ni Pangulong Rody Duterte mag-file ng CoC. Kaya nag-file siya. ‘Yun lang! “Bahala na si Lord”, aniya. Hehehe…

Tanggap naman siya ni Sen. Bong Go, naunang nag-file ng Vice President, para running mate.

Si Sen. Go ay sinamahan din ni Pangulong Duterte nang mag-file ng CoC.

So, it’s Bato-Go ang pambato ng nabiyak na ruling party PDP Laban.

Post ni Lustre sa Tweeter: “May mga nagtatanong kung matatawag na ‘nuisance candidate’ si Bato dela Rosa. Sa Tagalog, buwisit na kandidato. Sila ang naghaha-ring lapian, pero ang isasabak sa 2022 ay nuisance. Ano iyon? Paano nangyari iyan? Tama ba na buwisit ang salin ng nuisance? O may iba pa?”



In fairness kay Bato, hindi siya matatawag na buwisit na kandidato. Hindi naman siya tulad nina Sen. Manny Pacquiao at Lito Lapid na… wala lang. Produkto si Bato ng Philippine Military Academy (PMA), naging PNP Chief at BuCor Director bago napasok sa politika, nahalal na Senador, sa tulong ng kanyang amo na si Pangulong Duterte.

Kaya lang naging buwisit sa mata ng mga kritiko ang pagtakbong Pangulo ni Bato ay dahil hindi bokal sa kanyang kalooban ang pagkandidato sa pinakamataas na posisyon kundi dahil lamang sa “order” ng boss. Tuloy ang tingin sa kanya ay “uto-uto”. Pero hindi siya pang-gulo sa presidential race. Malay natin baka manalo pa ang tandem nila ni Bong Go? Oo! Tiyak hindi sila pababayan ni Duterte. Mismo!

***

Tinawag namang kandidatong tulisan ang nagbabalik na dating Sen. Jinggoy Estrada.

Kasi nga si Jinggoy ay dalawang beses nang nakulong sa kasong Plunder. Katunayan, kaya lamang siya nasa laya ay dahil sa piyansa.

Sabi ng netizens, dapat ang mga may kaso ng katiwalian tulad ni Jinggoy ay disqualified sa pagkandidato hangga’t hindi nalilinis ang kanyang pangalan sa pandarambong.

Eh kung ang mga nag-aaplay nga raw ng sekyu o kasambahay ay hindi tinatanggap ‘pag may kinakaharap na kaso, tapos ang mga may kaso ng katiwalian ay tanggap ng Comelec ang kandidatura? Unfair!

Sabi sa batas: “Public office is a public trust”.

Kung ganun, bakit itong mga may kaso ng katiwalian ay pinapayagan sa pagkandidato?

Dapat bawal silang tumakbo sa anumang posisyon sa eleksyon hangga’t hindi nalilinis ang kanilang pangalan. Hindi iyong saka lamang sila bawal kapag ‘guilty’ na sa kaso. Eh napakabagal ng proseso ng hustisya sa bansang ito. Makakapagnakaw uli ito ng daang milyones ‘pag nanalo sa eleksyon bago pa bumaba ang desisyon sa kinakaharap na kaso. Buwisit!!!