Advertisers
AKO’Y naaawa, nagtataka sa mga locally stranded individual (LSI) kung paano sila nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pagdating sa kanilang pro-binsiya gayung negative sila sa virus pag-alis ng Metro Manila?
Saan nila nakuha ang virus? Sa terminal, sa barko o sa eroplano?
Bago bumiyahe ang mga LSI, sila’y sumailalim sa check-up kaya nabigyan ng Health Certificate at travel authority. Ibig sabihin negative sila sa anumang sakit.
Pero paanong nangyayari na pagdating sa port of destination ay bigla silang nagpositibo sa ‘rapid test’ para sa COVID 19?
Ang virus ay 14 days daw ang incubation period. Kaya naman 2 linggo ang quarantine sa LSI pagdating sa kanilang lugar.
Kaya nakapagtataka naman na sa magdamag o 24 oras mang biyahe mula Metro Manila hanggang sa probinsiya ay nagpositibo agad ang isang LSI sa covid.
Sabi ng isang duktor sa Philippine General Hospital (PGH), ang sipon, ubo at lagnat at sitomas ng COVID. Kapag nagkaroon ka nito ay malamang na magpositibo ka sa rapid test.
Eh itong mga LSI, marami sa kanila ay ilang araw nang stranded sa terminal (ng bus, eropabo o barko), kungsaan sila’y puyat, gutom, walang ligo, naligo sa pawis dahil sa init, dahilan para sila’y magkaroon ng flu, na kapag isinalang sa rapid test pagdating sa kanilang lugar ay tiyak magpo-positibo.
Pero ilan lang naman sa nagpositibo sa rapid test ang nagpopositibo sa swab test ng covid 19. Eh saan nga nila nakuha ang virus? Malamang sa terminal kungsaan sila na-stranded, kungsaan siksikan silang LSIs tulad ng napanood natin sa news sa TV sa Rizal Memorial Coliseum, sa terminal sa North Harbour (pier) at NAIA.
Kaya dapat ay araw-araw din nagdi-disinfect ang mga terminal ng bus, barko at paliparan, para matiyak na hindi dito manggagaling ang virus na nadadala ng mga LSI sa mga probinsiya. Mismo!
***
5th SONA ni President Rody Duterte ngayon.
Ito na siguro ang pinakamalungkot na SONA ng Pangulo bago siya bababa ng puwesto sa 2022.
Oo! Walang magandang ibibida ang Pangulo ngayon. Dahil talagang bagsak ang ekonomiya ng bansa, gutom ang mga tao, napakarami ang nawalan ng trabaho, at di magawang mga proyekto ng gobierno dahil sa covid 19 na ito.
Ang Pilipinas ay nabaon sa utang dahil sa covid 19. Ang Pilipinas narin lang ang natitira sa Southeast Asian countries na patuloy na nagbibilang ng mga nahahawaan at namamatay sa covid araw-araw.
Kaya wala talagang maibibida si Pangulong Duterte pagdating sa isyu ng ekonomiya, agrikultura at pangkalusu-gan.
Pagdating naman sa kanyang numero unong kampanya laban sa iligal na droga, BIGO siyang masawata ang iligal na droga. Ang kanyang pangako noon na 3-6 months wala nang illegal drugs ay JOKE NALANG! As of now bumabaha parin ang shabu sa merkado!
Tungkol sa korapsyon, BIGO din si Pangulong Digong. Nitong mga nagdaang araw nga lang ay pumutok ang malaking katiwalian sa PhilHealth. P145 BILYON daw ang missing sa P221 BILYONG pondo nito.
Kaya… ano kayang ibibiga ngayon ni Pangulo sa SONA?
Pakinggan natin mula 4:00 ng hapon.