Advertisers

Advertisers

Bianca proud Lola’s Girl; Rhian bumalik sa kabataan, nagtampisaw sa ulan

0 215

Advertisers

NAKAKIKILIG ang kuwento ng Kapuso couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz tungkol sa kanilang first meeting na mapapanood sa latest vlog ng aktor.

Kuwento ni EA, hindi siya love at first sight, “Nagsimula siya, nag-guest ako sa isang reality show nila kung saan contestant siya. Nag-rehearsal kami, so wala deadma lang ako. Ako naman, kasi every time na bababa ako ng kotse, magpapabango ako. Tapos, after rehearsal, uwi. Wala, deadma, wala akong naramdaman na kahit ano na gusto ko siya, na nagagandahan ako sa kanya.”

Dagdag naman ni Shaira, siya rin daw ay hindi agad nahumaling sa aktor, “‘Yung rehearsal kasi sa G-Force, pagkita ko sa kanya, naka-sando lang siya ‘yung [kita] ‘yung kili-kili. So, siyempre, dahil naka-sando nga, kita ‘yung buhok sa kili-kili, ‘di ba? So sabi ko, ‘Ano ba yan?’ Sasayaw kami siyempre hindi naman maiiwasan na mapawisan. So, nandoon pa lang, medyo nandiri ako kasi siyempre may mga yakap yakap tapos pawis siya. Malay ko ba kung ano ‘yung amoy noong kili-kili niya ‘non.”



Nakatutuwa man ang first encounter nila, hindi ito naging hadlang para diskartehan ni EA si Shaira sa muli nilang pagkikita. Sabi pa niya, para raw nag “slow mo” ang mundo kaya unti-unti siyang gumawa ng paraan para lalong mapalapit sa aktres.

Ngayon ay nagdiriwang na sila ng ika-7 taon na anniversary bilang magkasintahan at nagbahagi rin sina EA at Shaira ng mga advice para lalong patatagin ang mga long-term relationship. Panoorin buong video sa YouTube channel ni EA Guzman.

***

Rhian Ramos nagtampisaw sa ulan

Kinagiliwan ng netizens ang ipinost na video ni ‘Love of my Life’ star Rhian Ramos sa kanyang Instagram na masaya siyang nagtatampisaw sa ulan kasama ang ina at nakatatandang kapatid.



Sey pa ng netizen na hindi maiwasang magbalik-tanaw sa kanyang childhood, “Namiss ko tuloy maligo at maglaro sa ulan which I used to do when I was a kid. It looks like the three of you are having fun!”

Habang hindi pa nagbabalik-taping si Rhian sa pinagbibidahang GMA series na Love of my Life, pinagkakaabalahan ng aktres ang pagawa ng YouTube vlogs na madalas kasama rin ang kanyang ina at kapatid.

***

Joyce Pring natakot umamin kay Juancho Trivino noon

Hindi lang nakakatakam kung hindi kapupulutan din ng relationship advice ang recent Mukbang vlog ng Kapuso couple na sina Joyce Pring at Juancho Trivino.

Game na sinagot ng dalawa ang questions mula sa kanilang followers gaya na lang ng kung kailan daw nila nalamang mahal na nila ang isa’t isa.

Pag-amin ni Joyce, “For the longest time, I was pushing Juancho away, ‘di ba, baby? Lagi kong sinasabi, ‘Hindi, ayoko. ‘Wag na,’ ganyan. Tapos ‘noong nagkakaroon na ako ng lakas ng loob na ‘Sige na nga, ita-try ko, malay mo naman, ‘di ba?’ I knew that I was falling in love with him na kasi I was praying about it na. Ang sabi ko kay Lord, ‘Lord, ito na ba ‘yon? Sure ka ba? Parang masyado siyang guwapo para maging matino.”

***

Bianca Umali proud na Lola’s Girl

Hindi pinalampas ng Kapuso actress na si Bianca Umali na magbigay ng isang heartfelt birthday message para sa kanyang lola.

Superhero kung tawagin ng aktres ang paternal grandmother na si Victorina “Vicky” Umali.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Bianca ang favorite photo niya ng kanyang Lola Vicky. Aniya, “This will always be my favorite photo of you, Mama. Happy happy happy birthday, my superhero. We’ll always eat plenty of hopia and drink plenty of coffee together, our favorite! Mahal na mahal na mahal kita!!! *huuug* So proud to be a lola’s girl.”
Samantala, patuloy pa ring napapanood si Bianca sa rerun ng Kambal, Karibal gabi-gabi sa GMA Telebabad. (BKC)