Advertisers

Advertisers

MAGKABIT NA TSERMAN AT TRESURERA SA SEX VIDEO SCANDAL NAGBITIW NA!

0 2,425

Advertisers

NAGBITIW na sa pwesto ang barangay chairman at kanyang treasurer sa Dasmariñas, Cavite na napanood na nagtatalik sa isang video call meeting, ayon sa presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) sa lugar.
Ayon kay Jorge Magno, presidente ng ABC Dasmariñas, nagpaliwanag na ang barangay chairman sa nangyaring insidente.
“Si Barangay Chairman nag-resign na po para sa ikatatahimik po ng lahat. Humihingi po siya ng pang-unawa at pasensya sa lahat na ganoon ang nangyari,” ani Magno.
Maging aniya ang barangay treasurer ay nagbitiw narin.
Sa video, makikitang sinusubukan pang takluban ng kapitan ang camera ng computer ngunit hindi napansin na may isa pang camera ang nakatuon sa kanila.
Samantala, kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na ilang residente ang naghain ng reklamo mula sa Dasmarinas laban sa kanilang kapitan at treasurer na nasangkot sa sex scandal.
Ayon kay Diño, bago paman mag-resign ang opisyal na tinaguriang Kapitan Estil, nag-utos na siya ng imbestigasyon ukol sa iskandalo.
Nilinaw ni Diño na bagamat nakaligtas na si Kapitan sa kasong administratibo nang mag-resign, hindi pa naman ito lusot sa gagawing inventory at pag-iimbestiga ng DILG sa liquidation sa pondo ng barangay kung meron mang mga paglabag.
Malinaw, aniya, na paglabag ito sa Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.(PTF team)