Advertisers
MAHIGIT sa P3.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa 5 katao kabilang ang isang Criminology graduate student sa magkasunod na buybust operations ng Bacoor Police sa isang subdivision ng Barangay Panapaan 5, Bacoor City, Cavite nitong Mierkoles.
Kinilala ang mga nadakip na sina Jovie Nario, 27, binata, ng Tabing Dagat Brgy. Maliksi 3, Bacoor City, at BS Criminology Graduate; Bayan Saricol, 33, tubong Sultan Kudarat, ng Maharlika Village Taguig City; at Martin Galang, 30, ng 188 Remedios St. Extension, Brgy. Panapaan 5 at tumatayong courier ng grupo.
Nakatakas naman ang isa pa na si Ali Salic ng ADDAS Subd., Brgy Mambog IV.
Narekober sa mga suspek ang 3 malaking plastic na naglalaman ng shabu at 5 medium size plastic na may laman ding shabu na tumitimbang sa mahigit 500 grams at nasa halagang P3,400, 000.00.
(Irine Gascon)