Advertisers
ARESTADO ang isang lalaki dahil sa pauli-ulit umanong panghahalay sa kaniyang pamangkin na 10-taon-gulang sa Laguna.
Ang suspek ay nakitira lang sa bahay ng pamilya ng biktima nang magkaroon ng lockdown.
Sa ulat, halos araw-araw ginagahasa ng suspek ang kaniyang pamangkin bago nabisto ang kahalayang ginagawa sa bata.
Napag-alaman na nakituloy lang ang suspek sa bahay ng pamilya ng biktima sa Majayjay, Laguna nang ipatupad ang enhanced community quarantine.
“Nung lockdown, nang pinatira sa bahay niya yung suspek, sa tuwing ‘yung magulang ay pupunta sa bukid para magsaka, ‘yung nanay at tatay, naiiwan itong biktima pati ‘yung suspek,” ayon kay Police Captain CJ Talampas, hepe ng Majayjay Police Station.
“Doon nakakakuha ng pagkakataon ‘yung suspek na galawin ‘yung biktima sa CR, sa kuwarto, o kaya sa sagingan,” ayon sa opisyal.
Bukod sa panghahalay sa biktima, tinatakot at inuutusan pa umano ng suspek ang 12-anyos na ate ng biktima para kunan ng video ang kaniyang ginagawang kahalayan.
“Tinatakot din niya kasi ‘yung ate na isusumbong sa magulang kasi may ginawang kasalanan ‘yung ate. Kaya ang ginawa ng suspek, siya ang ginawang taga-video para sa kalahayan na kaniyang ginagawa,” ayon kay Talampas.
Nagtangka pang tumakas ang suspek nang mabisto na ang kaniyang krimen pero nahuli siya ng mga awtoridad.
Sinampahan ang suspek ng reklamong 22 counts of rape.(PTF team)